Pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 mula nitong Abril, naitala ng China

Nakapagtala ng 61 na panibagong kaso ng COVID-19 ang China, na itinuturing na pinakamataas mula nitong Abril.

Ayon sa kanilang National Health Commission, 57 sa bagong kaso ay mula sa far northwestern Xinjiang region na lugar din kung saan kumalat ang sakit noong kalagitnaan ng Hulyo.

Habang 14 naman ang naitala sa northeastern province ng Liaoning partikular sa City of Dalian.


Sa ngayon, isinailalim na sa mass testing ang daan-daang mamamayan sa Port City of Dalian.

Facebook Comments