Pinakamataas na bilang ng mga pasaherong sumakay ng MRT, naitala nitong nagdaang linggo

32

Tumaas na muli ang bilang ng mga pasaherong sumasakay sa MRT-3 matapos dagdagan ang kapasidad nito dahil sa pagbaba ng kaso ng COVID-19.

June 1 nang magbalik ang operasyon ng MRT-3 at nitong Biyernes naitala ang pinakamataas na bilang ng mga pasahero.

Ayon sa pamunuan ng MRT, umabot sa 193,991 ang mga pasaherong sumakay matapos itaas sa 70% ang capacity nito.


827 na pasahero ang naisasakay sa kada tren habang 17 hanggang 21 ang tren na tumatakbo kada araw.

Bagaman lumuluwag na ang restriksyon, paalala ng pamunuan ng MRT na sumunod pa rin sa mga pinatutupad na safety health protocol tulad ng pagsusuot ng facemask, bawal kumain at uminom sa loob ng tren, bawal magsalita at ipinagbabawal din ang phone call.

Facebook Comments