Pinakamataas na debt to GDP ratio ng Pilipinas, naitala ngayong third quarter ng taon

Sumipa pa ang debt to Gross Domestic Product (GDP) ratio ng bansa nitong September.

Batay sa datos ng Bureau of Treasury, naitala ito 63.7% mula July hanggang September kumpara sa 60.1% noong Abril hanggang Hunyo.

Ito na ang pinakamataas na debt to GDP ratio simula noong 2005.


Bagama’t, naitala sa 7.6% ang GDP ng bansa ay lumobo naman ang utang ng gobyerno sa mahigit P13 trillion sa pagtatapos ng September ngayong taon.

Matatandaang, sinabi ni Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno na target ng administrasyong Marcos na ibaba sa 50% hanggang 55% ang debt to GDP ratio ng bansa hanggang sa 2028.

Facebook Comments