Activated na ang “Charlie” protocol ng Office of Civil Defense (OCD).
Ito ang pinaka mataas na antas ng emergency preparedness dahil sa inaasahang epekto ng Bagyong Kristine sa pitong rehiyon sa bansa.
Kabilang sa mga rehiyong ito ay ang Cordillera Administrative Region (CAR), Regions II, III, V, VIII, CALABARZON, at MIMAROPA na maituturing na high risk.
Ayon sa OCD ang Region I at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay nasa ilalim naman ng “Bravo” protocol na mayroong moderate risk habang ang National Capital Region, Regions VI, VII, XII, IX, X, at CARAGA ay nasa “Alpha” protocol na maituturing na low risk.
Sa ngayon, tuloy sa pagsasagawa ng pre-disaster risk assessments ang OCD gayundin ang pagkuha ng critical data mula sa technical agencies para pagbutihin ang emergency preparedness and response.
Nagbigay narin ang OCD ng direktiba sa mga regional offices para matiyak na nakahanda ang lahat ng kakailanganin sa inaasahang pananalasa ng Bagyong Kristine.