PINAKAMATAAS NA EMPLOYMENT RATE SA PILIPINAS, NAITALA SA CAGAYAN VALLEY

 

CAUAYAN CITY – Inihayag ng Department of Labor and Employment na ang Cagayan Valley ang nangunguna sa may pinakamataas na tala sa mga mayroong trabaho sa buong bansa.

Ayon sa DOLE region 2, para sa buong 2023, nakuha ng rehiyon dos ang pinakamataas na employment rate na may 97.6%.

Sinabi ni Assistant Regional Director Atty. Nepomuceno Leaño II, na ilan sa mga dahilan ng pagtaas ay ang malawakang inilunsad na job fairs.


Aniya, nasa 300,000 katao ang nakahanap ng trabaho sa pamamagitan ng Labor Market Information (LMI).

Dagdag pa rito, umabot din sa 19,210 na fresh graduates at iba pang kwalipikadong job seekers ang nabigyan ng pansamantalang trabaho ng DOLE sa pamamagitan naman ng Government Internship Program (GIP).

Facebook Comments