Naitala ng PHIVOLCS ang pinakamataas na gas emission sa Bulkang Kanlaon kahapon.
Batay sa campaign flyspec measurements, nakapagtala ng average na 5,397 tonelada kada araw ng sulfur dioxide gas emission ang Bulkang Kanlaon.
Ayon sa PHIVOLCS, tumaas ang degassing concentrations ng volcanic sulfur dioxide ngayong taon sa average rate na 1,897 tonelada kada araw.
Tumaas ang emission noong Hunyo 3 sa kasalukuyang average na 3,175 tonelada kada araw.
Bilang karagdagan, nananatili sa average na 10 events kada araw ang Volcanic Earthquake ng bulkan mula noong sumabog ito.
Kaugnay nito, nanatili pa ring nakataas sa Alert Level 2 ang Bulkang Kanlaon at hindi inaalis ang posibilidad na muli pang pumutok ito.
Mahigpit pa ring binabantayan ng PHIVOLCS ang bulkan at anumang bagong developments ay agad na ipaparating sa lahat ng concerned stakeholders.