Pinakamataas na halaga ng panukalang budget sa kasaysayan ng Pilipinas, inihanda ni Pangulong Duterte para sa 2022

Aabot sa P5.024 trillion ang ipinanukalang national budget ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa susunod na taon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque , ito ay upang maipagpatuloy ang pagtugon sa pandemya ng bansa, serbisyong publiko, pagpapaunlad ng imprastruktura at iba pa.

Ito na ang pinakamataas na panukalang budget sa kasaysayan ng bansa at 11.5% na mas mataas sa ₱4.5 trillion expenditure program ngayong 2021.


Nangunguna ang Department of Education (DepEd) sa ahensiyang makakatanggap ng malaking pondo na aabot sa P773.6 billion, sinundan ng;

Department of Public Works and Highways (₱686.1 billion)
Department of the Interior and Local Government (₱250.4 billion)
Department of Health (₱242 billion)
Department of National Defense (₱222 billion)
Department of Social Welfare and Development (₱191.4 billion)
Department of Transportation (₱151.3 billion)
Department of Agriculture and National Irrigation Administration (₱103.5 billion)
Department of Labor and Employment (₱44.9 billion)

Nakatakdang ipasa ng Department of Budget and Management (DBM) ang panukalang national budget sa kongreso sa August 23.

Facebook Comments