Naitala kahapon sa lungsod ng Dagupan ang pinakamataas na heat index sa buong bansa na pumalo sa 52°C.
Ang naturang Heat index ay nasa kategorya ng extreme danger kung saan mataas ang tsansa ng Heat stroke.
Inirerekomenda ng awtoridad ang pag-iwas sa direktang sikat ng araw at ang palagiang pag-inom ng tubig.
Ang mataas na heat index ay sanhi ng kombinasyon ng init at halumigmig, na nagdulot ng matinding init sa mga residente.
Nauna nang ibinabala ng Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Office na maaari pang tumaas ang heat index sa mga susunod na araw. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









