PINAKAMATAAS NA HEAT INDEX SA BANSA, MULING NAITALA SA DAGUPAN CITY

Muling ininda ng publiko ang naranasang matinding init ng panahon kahapon, April 29, 2025.
Kasunod ito ng naitalang heat index sa Dagupan City na pumalo sa 47°C, sa ilalim ng ng danger category at siya ring pinakamataas na heat index sa buong bansa.
Ngayong kaliwa’t-kanan ang pagdiriwang sa lalawigan ng Pangasinan, iginiit ng awtoridad ang ibayong pag-iingat laban sa nararanasang mainit na panahon.
Nauna nang inihayag ng Pangasinan PDRRMO ang palagiang pag-inom ng tubig at pagdala ng panangga sa araw upang maiwasan ang anumang kaso ng heat-related illnesses.
Pinaalalahanan din nito ang publiko na sakaling makaranas ng anumang emerhensiya ay huwag mag-atubiling tumawag sa emergency hotline na Pangasinan 911 upang mabigyan ng agarang pagresponde. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments