PINAKAMATAAS NA HEAT INDEX SA BANSA, NAITALANG MULI SA DAGUPAN CITY; HEAT INDEX SA MGA SUSUNOD NA ARAW, MAAARI PANG UMABOT NG HANGGANG 50 DEGREES C

Muling pumalo sa 48°C ang naitalang heat index kahapon sa Dagupan City sa makailang beses na pagkakataon.

Malayo ito sa 44°C na heat index forecast, bagamat paalala ng PAGASA na nagbabago ito hanggang sa alas singko ng hapon sa bawat araw.

Inihayag ng weather bureau na maaari pang umabot sa 50°C ang maitatalang heat index na maaaring maranasan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Aniya, ang pinakamataas na heat index ay posibleng maranasan ngayong buwan ng Abril o Mayo.

Dagdag nito na kahit sa gabi ay maaari pa ring maranasan ang init ng panahon dahil sa ganap na pag-iral ng dry season.

Kaugnay nito, iginiit ng health authorities ang iba’t-ibang mga hakbang na makakatulong upang maibsan ang init na nadarama lalo ngayong ilang mga Pangasinense na ang nakaranas ng heat-related illnesses tulad ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments