Pinakamataas na inflation rate, naabot na nitong Setyembre kaya inaasahan na ang pagbaba nito

Naniniwala si House Committee on Agriculture and Food Chairman at Quezon 1st district Rep. Mark Enverga na naabot na ang pinakamataas na inflation rate noong Setyembre kaya inaasahang pababa na ito.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang inflation rate noong Setyembre ay 6.1% mas mataas kumpara sa 5.3% na naitala noong Agosto.

Paliwanag ni Enverga, tiyak na makakaapekto sa inflation rate ang paparating na panahon ng anihan na magpapababa sa presyo ng mga produktong agrikultura.


Diin pa ni Enverga, malaking tulong din ang mga reporma o hakbang na ipinatupad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na sya ring tumatayong Agriculture Secretary.

kapuri puri para kay Enverga ang pagtugon ni Pangulong Marcos sa mga problema sektor ng agrikultura.

Facebook Comments