Pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa Myanmar, naitala

Nakapagtala ang Myanmar ng 595 na bagong kaso ng COVID-19 sa loob nang isang araw.

Ito na ang pinakamataas na nadagdag na COVID-19 cases sa kanilang bansa, mula nang magsimula ang Myanmar coup kung saan nauwi sa pagbibitiw ng kanilang health workers.

Matatandaang nitong Pebrero 1 ay sumali na rin ang mga kawani ng kalusugan sa Civil Disobedience Movement laban sa pagpapatalsik sa nahalal na noon si Aung San Suu Kyi.


Bago ang protesta ay nasa higit 17,000 ang nasusuri kada araw sa kanilang bansa pero umaabot na lamang ito ngayon ng halos 4,000.

Facebook Comments