Naitala kahapon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pinakamataas na lebel ng sulfur dioxide na inilabas ng Bulkang Taal.
Ayon sa PHIVOLCS, nasa 14,699 tonelada ang ibinuga kahapon ng Taal na isang senyales na maaaring muling magkaroon ng Phreatomagmatic eruption kagaya noong Huwebes.
Bunsod nito, muling nanawagan ang PHIVOLCS sa mga residenteng nakatira malapit sa bulkan na lumikas na at manatili na lamang sa mga evacuation center.
Ang volcanic smog na dala ng Bulkang Taal ay nagdudulot ng pagkairita sa mata, lalamunan at respiratory tract lalo na kung matagal na naka-expose dito ang isang indibidwal.
Facebook Comments