Pinakamataas na panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa na umabot sa 2,434, naitala ngayong araw

173

Naitala ngayong araw ang pinakamataas na panibagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas na umabot sa 2,434.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health, 1,147 sa mga bagong kaso ay ‘fresh’ habang 1,287 ang ‘late’ cases.


Dahil dito, umabot na sa 44,254 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nadagdagan naman ng 489 ang bilang ng gumaling na ngayon ay aabot na sa 11,942.

Habang 1,297 na ang nasawi matapos madagdagan ng pito.

Samantala, nadagdagan pa ng 50 ang panibagong kaso ng covid-19 sa mga Pilipino sa abroad ngayong araw.

Sa kabuuan, 8,679 na ang mga Pilipinong tinamaan ng virus sa ibang bansa habang 577 ang nasawi.




Nananatili naman sa 5,201 ang nakarekober sa sakit habang 2,901 pa ang nagpapagaling.

Facebook Comments