Manila, Philippines – Aprubado na sa Senado ang paggawad ni Pangulong Rodrigo Duterte ng ‘Quezon Service Cross Award’ kay dating Senador Miriam Santiago.
Ang Quezon Service Cross Award ang pinakamataas na parangal na ibinibigay sa isang sibilyan na iginagawad ng pangulo na may approval ng mataas at mababang kapulungan ng kongreso.
Nabatid na nakapasa ang senate concurrent resolution no. 8 nina Senador Grace Poe at Sonny Angara nang walang objection kung saan si Santiago ang pinaka–unang babaeng gagawaran ng nasabing pagkilala.
Una nang ibinigay ng Quezon Service Cross Award sina dating DILG Secretary Jesse Robredo, Senador Benigno Aquino Jr., dating Pangulong Ramon Magsaysay, dating Pangulong Emilio Aguinaldo, at dating UN General Assembly President Carlos Romulo.