Pinakamataas na passenger capacity, naitala ng MRT-3

73

Naitala kahapon ng Metro Rail Transit (MRT) line 3 ang 131,189 na passenger capacity.

Ayon sa MRT 3 management, kasunod naman ito ng mas pinabilis na pagbiyahe ng mga tren at pagkakaroon ng mataas na bilang ng mga running at operational na train sets sa linya.

Dinagdagan ang kapasidad ng mga tren sa 30% na may 124 na pasahero kada train car o 372 pasahero sa bawat train set.


Ito’y mula sa dating 13% o 51 na pasahero kada train car o 153 sa isang train set.

Mula noong December 7, isinagad na ng MRT 3 ang operating speed ng tren sa 60 kph mula sa 50 kph.

Facebook Comments