Pinakamataas na temperature, naitala ngayong araw sa Quezon City

Nararanasan ngayon sa Quezon City ang pinakamatinding init matapos ideklara kahapon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Weather Bureau ang simula ng summer season.

Kaninang alas-11:40 ng umaga, nakapagtala ang Weather Bureau ng 34°C heat index o init factor sa Quezon City na kinokonsidera bilang “extreme caution”.

Ang heat index ay ang init na nararamdaman ng ating katawan kaugnay ng pinagsamang temperatura at halumigmig sa paligid.


Pinapayuhan ang lokal na pamahalaan ng Quezon City na uminom ng tubig at magdala ng pananggalang sa init ng araw upang maiwasan ang heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.

Asahan na tataas pa ito sa mga susunod na oras kung kaya’t hinihikayat ang lahat na hangga’t maaari ay manatili sa loob ng tahanan kung kinakailangan o kaya naman ay sa mga malilim na lugar upang makaiwas sa sakit na dala ng sobrang init.

Facebook Comments