Pinakamatagal na adverse reaction ng bakuna, posibleng umabot ng tatlo hanggang lima na araw

Maaaring tumagal ng 3 hanggang 5 na araw ang adverse effect ng bakuna kontra COVID-19.

Gayunman, sinabi ni Dr. Rommel Cresenio Lobo, allergist at clinical immunologist ng Department of Health (DOH), karaniwan aniyang umaabot lamang ng 4 na oras ang paglabas ng reaksyon ng bakuna sa isang pasyente.

Nilinaw rin ni Dr. Lobo na mandatory ang 30 minutong obserbasyon sa pasyente pagkatapos nitong tumanggap ng bakuna.


Para naman aniya sa mga makakaranas ng severe type reaction o anaphylaxis, karaniwan itong lumalabas sa loob ng 15 minuto pagkatapos ng bakuna.

Ang pasyente namang makakaranas ng severe type ng reaction sa unang dose ay hindi na isasailalim sa pangalawang dose ng bakuna.

Nilinaw rin ni Dr. Lobo na ang mga indibidwal na may allergic rhinitis o hika ay maaari pa ring tumanggap ng anti-COVID vaccine.

Isasailalim din aniya sa screening ang mga nakatatatanda lalo na ang may iniinom na gamot sa constipation bago sila bakunahan.

Facebook Comments