Pinakamatandang Catholic bishop sa bansa, pumanaw na, ayon sa CBCP

Kinumpirma ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) na pumanaw na ang pinakamatandang katolikong obispo sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ng CBCP na pumanaw si retired Bishop Manuel Sobreviñas sa edad na 96 habang nasa Cardinal Santos Hospital sa lungsod ng San Juan.

Taong 1979 nang italaga si Sobreviñas bilang Auxillary Bishop ng Archdiocese of Manila kung saan naglingkod ito ng 14 na taon.


Nagsilbi rin siya bilang ikatlong obispo ng Diocese of Imus sa Cavite mula noong 1993 bago ito magretiro noong 2001 sa edad na 77.

Facebook Comments