Pinakamatandang Cavalier na dumalo sa PMA Alumni Homecoming 2018; 92 anyos ang edad

Manila, Philippines – Isang 92 taong gulang na Philippine Military Academy Cavalier ang dumalo sa ginaganap na PMA Alumni Homecoming sa Fort Gregorio Del Pilar sa Baguio City.

Ayon kay PMA Spokesperson Lt. Col. Rey Balido kinilala itong si Cavalier Delfin Castro ng PMA Class of 1951 na ipinanganak noong July 30, 1925.

Habang ang pinakabata naman dumalong cavalier sa PMA Alumni Homecoming na kinilalang si 2nd Lieutenant Dicee Anne Leopoldo na ipinanganak noong March 21, 1996.


Umabot naman sa kabuuang 1882 mga cavaliers ang dumadalo ngayon sa programa para PMA Alumni Homecoming.

Facebook Comments