Pinakamatandang flight attendant – pinarangalan sa Amerika

Amerika – Isang babae ang pinarangalan ng American Airlines bilang World’s Most Senior Flight Attendant dahil sa kaniyang animnapung taon na pagseserbisyo bilang F-A.

Binigyan ng isang party ang walumpu’t dalawang taong gulang na si Bette Nash para ipagdiwang ang kaniyang “diamond jubilee” sa ika-60 taong pagseserbisyo sa Ronald Reagan Washington National Airport.

Ayon kay Nash – malusog na pangangatawan ang kaniyang naging sikreto para mapanatili ang kaniyang karera.


Nagsimula siya bilang flight attendant noong 1957 sa taong 21.

Facebook Comments