PINAKAMAYAMANG CABINET MEMBER | Energy Secretary Alfonso Cusi, maaari nang magretiro ayon kay Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na dapat nang ikunsidera ni Department of Energy Secretary Alfonso Cusi ang pagreretiro dahil sa kanyang napakalaking yaman.

Base sa 2017 Statements of Assets, Liabilities and Networths (SALN), mayroong 1.35 billion pesos na deklaradong networth si Cusi na siyang itinuturing ikalawa sa pinakamayamang cabinet member.

Biro ng Pangulo, hindi na kailangan ni Cusi ang magtrabaho dahil nakita niya ang kanyang SALN.


Si Cusi ay dating chairman ng isang Batangas-based shipping company at nagsilbi bilang board member ng isang mining firm.

Nagtapos si Cusi sa master’s degree in business administration sa University of the Philippines – Cebu at namuno sa iba’t-ibang kumpanya na nakatutok sa logistics, manning, maritime engineering at convenience stores.

Facebook Comments