Bumaba ang presyo ng bigas sa mga pampublikong pamilihan sa lungsod ng Dagupan.
Kung dati, nasa P35 ang pinakamababa, ngayon, mayroon nang mabibiling P33 sa kada kilo.
Nananatili ring mababa ang mga local milled na naglalaro sa P35 hanggang P40 sa kada kilo.
Ayon sa ilang rice retailers na nakapanayam ng IFM News Dagupan, dumami raw ang suplay ng murang bigas ngayon.
Pinakamabili ang P36 to P38 na bigas na nasa apat hanggang limang sako ang naibebenta araw-araw.
Samantala, ayon naman sa ilang mga mamimili, hindi na raw masama ang kalidad kahit pa nabibili ito sa murang halaga kaya naman mas tinatangkilik na ito ngayon ng mga ordinaryong mamamayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments