Manila, Philippines – Ipinag-utos ng Securities and Exchange Commission o SEC ang kanselasyon ng registration ng online news site na Rappler.
Sinabi ng SEC En Banc, lumabag “umano” ang korporasyon sa constitutional restriction sa ownership at control ng mass media entities dahil sa kanilang pondo na nanggagaling sa E-bay owner at French entrepreneur na si Pierre Omidyar.
Nauna nang dumepensa ang Rappler na 100 percent Filipino-owned ang kanilang kompanya kasabay ng pag-amin na tumanggap ng investment mula sa nasabing foreign entity.
Matatandaan na sa nakaarang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi nitong Amerikano ang may-ari ng naturang news site.
Depensa pa ng kumpanya – sumunod naman sila sa mga panuntunan at regulasyon ng SEC.
Sa ilalim ng article 16, section 11 ng konstitusyon, nakasaad na limitado lamang sa Filipino citizen ang karapatan na magmay-ari at magpalakad ng mass media.