Pinakaunang Botika ng Bayan sa Nueva Vizcaya, Binuksan

Cauayan City, Isabela- Binuksan na ang kauna-unahang ‘Botika ng Bayan’ sa lalawigan ng Nueva Vizcaya partikular sa bayan ng Aritao kahapon , Oktubre 9, 2021.

Layunin ng nasabing programa na makapagbigay ng LIBRENG GAMOT sa mga mamamayan ng Aritao lalo na sa mga mahihirap na indibidwal.

Pinangunahan ni lone district Congresswoman Luisa Banti Lloren Cuaresma, Development Management Officer V ng Provincial Department of Health Office, LGU Aritao Heads of Offices, Punong Barangays, RHU Pharmacy Division at Municipal Mayor Dr. Remelina-Peros Galam ang pagpapasinaya sa naturang botika.


Sa pamamagitan nito, mas marami ng mga residente ang mapapakinabangan ang botika at hindi na mahihirapan pa na maghanap ng pambili ng gamot dahil sa libreng gamot.

Facebook Comments