Kamakailan ay isinagawa ang pinakaunang palaro ng Liga ng mga Konsehales sa Pangasinan na isinagawa sa Narciso Ramos Sports and Civic Center (NRSCC), bayan ng Lingayen.
Ang PCLYMPICS 2023 ay isinagawa para magkaroon ng pagkakataon na magsama-sama sa isang okasyon ang mga kasapi ng Philippine Councilors League (PCL)-Pangasinan Chapter at mas mapagtibay pa ang samahan ng mga ito sa pamamagitan ng laro.
Nanguna naman sa opening ng palaro na kinabibilangan ng volleyball at basketball tournaments si PCL Pangasinan Chapter President Arthur Celeste, Jr at naghatid din ng mensahe ang gobernador ng lalawigan, Governor Ramon Guico III sa pamamagitan ng kaniyang Special Assistant to the Governor.
Sa mensaheng ipinadala nito, pinuri nito ang ganitong klaseng proyekto kung saan napagkakaisa ang mga konsehal ng iba’t-ibang lokal na pamahalaan sa lalawigan. |ifmnews
Facebook Comments