PINAKAWALAN | Pulis na dinukot ng NPA, napakawalan na, Secretary Go nanguna sa turn over ng biktima sa PNP Region XI

Pinakawalan na ng New Peoples Army ang pulis na kanilang dinukot noong December 2017 na si Police Inspector Menardo Cui.

Si Cui ay ang Deputy Chief of Police ng President Roxas sa North Cotabato at dinukot ito ng mga armadong lalaki noong December 28, 2017.

Sa pamamagitan ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go ay naiturn over na kay Philippine National Police Region XI Director Manuel Gaerlan sa Camp Catitipan Davao City kaninang umaga si Cui.


Pinakawalan si Cui ng NPA sa pangangalaga ni Secretary Go sa Sitio Apog Apog Barangay Panaka, Magpet North Cotabato.

Sinabi ni Go, unang bibisitahin ni Cui ang puntond ng kanyang asawa na namatay habang ito ay bihag ng mga NPA.
Napakawalan si Cui matapos ang ilang buwang negosasyon at lumabas din sa imbestigasyon ng NPA ay wala namang itong kasalanan laban sa kilusan.

Una naring umapela ang pamilya ni Cui kay Pangulong Rodrigo Duterte na gumawa ng mga hakbang para mapakawalan ang kanilang mahal sa buhay.

Facebook Comments