Manila, Philippines – Pinakikilos ng ilang kongresista ang Presidential Anti-Corruption Commission na silipin ang mga isyu ng korapsyon na ibinabato kay resigned Tourism Sec. Wanda Teo.
Giit dito nila ACT Teachers Rep. France Castro, Anakpawis Rep. Ariel Casilao at Akbayan Rep. Tom Villarin, dapat pa ring imbestigahan at sampahan ng kaso si Teo kahit pa ito ay nagbitiw na bilang Kalihim ng Department of Tourism.
Hindi anila dapat na makalusot sa mga asunto si Teo kasama na ang kapatid nito na si Ben Tulfo na siyang may-ari ng Bitag Media Unlimited Incorporated kung saan dito inilaan ang 60 Million ad placement ng Tourism sa PTV4.
Malinaw sa COA report na hindi “properly recorded” ang P60 Million disbursement ng DOT.
Samantala, kinumpirma naman ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na sinimulan na rin ngayon ng Ombudsman ang imbestigasyon sa kwestyunableng P60-million ad placement ng DOT.