Masyado pang maaga para ipanukala ang ikatlong Bayanihan law na layong maibsan ang epekto ng COVID-19 pandemic sa lokal na ekonomiya.
Matatandaang isinusulong nina Marikina Representative Stella Luz Quimbo ang Bayanihan 3 kung saan nakapaloob dito ang ₱340 million allocation para matugunan ang economic impact ng pandemya at matulungan nag mga apektadong Pilipino.
Suportado rin ni Senator Ralph Recto ang Bayanihan 3 measure para tulungan ang mga biktima ng mga nagdaang bagyo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mas makabubuti kung hintayin na lamang ang bersyon ng panukalang 2021 national budget na ipapasa ng Kongreso bago magdesisyon kung kailangan pa ba ng bagong Bayanihan measure.
Ang ₱4.5 trillion budget measure ay sinertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte at lusot na sa pinal na pagbasa sa Kamara.
Kasalukuyang nagsasagawa ng budget deliberations sa Senado.