Pinal na desisyon ni PBBM kaugnay sa online gambling, wala pang tiyak na petsa

Wala pang tiyak na petsa kung kailan maglalabas ng pinal na desisyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa online gaming policy.

Sa gitna ito ng paghahanda ng pamahalaan para sa 2026 national budget at ng malaking bahagi ng pondo para sa ilang social programs na nakasalalay sa kita mula sa e-gaming.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, magsasagawa pa ng konsultasyon ang pangulo kasama ang mga stakeholders na sisimulan sa lalong madaling panahon upang masuri nang mabuti ang magiging polisiya sa online gaming.

Nakikipag-ugnayan na rin aniya sila sa Department of Budget and Management (DBM) kaugnay ng usapin at isusumite pa lamang nito ang National Expenditure Program (NEP) bilang bahagi ng proseso ng pagbuo ng budget para sa susunod na taon.

Nauna nang sinabi ni PBBM na dapat pag aralang maiigi ang bagay na ito bago gumawa ng pinal na desisyon hinggil sa online gambling.

Facebook Comments