Pinal na desisyon para sa pag-terminate ng kontrata, isinilbi na ng DOTr sa BURI: Maintenance Transition Team, binuo na

Manila, Philippines – 10: 59 kaninang umaga, gobyerno na ang may tungkulin sa pagmimintini ng Metro Railway Transit 3.

Ito ay matapos na maisilbi na sa Busan Universal Railways Inc. (BURI) ang pinal na desisyon ng Department of Transportation (DOTr) na pumutol na sa bisa ng kontrata na pinasok nito sa BURI.

Sa desisyon, tinukoy ng DOTr ang pangit na serbisyo ng BURI katulad ng mas marami at halos sunod-sunod na aberya, hindi nai-deliver na mga spareparts at ang hindi nito nai-deliver na bilang ng tren alinsunod sa nakasaad sa obligated contract.


Kasabay nito, binuo ni Secretary Tugade ang MRT-3 Maintenance Transition Team (MTT) na pansamantalang mangangasiwa sa pagmimintina ng MRT-3 habang pinoproseso pa ang paghahanap ng bagong maintenance provider .

Lahat ng mga nagtrabaho sa BURI na skilled personnel ay inabsorbed din ng DOTr.

Ayon kay Usec. for Rails Cesar Chavez , mahigpit ang tagubilin ni Tugade na tiyakin na ligtas at kumbinyente ang mga pasahero.

Ang BURI ay nauna nang humiling ng Injunction sa QC RTC pero ibinasura ito ng korte sa halip pinayuhan ang magkabilang panig na pumasok sa arbitration.

Facebook Comments