Ito ay kasunod ng one time bill waiver scheme na inanunsyo ng Manila Water dahil pa rin sa nararanasang krisis sa tubig sa metro manila at sa karatig-lalawigan.
Ayon kay Manila Water Communications Manager Ditti Galang, tatapusin pa nila ang pakikipag-ugnayan sa bawat mga barangay na matinding nakaranas ng kawalan ng tubig mula March 6 at isasama pa ang mga maari pang makaranas ng kawalan ng suplay hanggang katapusan ngayong kasalukuyang buwan.
Sabi ni galang, mahalaga ang report na manggagaling sa mga barangay sa nagpapatuloy na isinasagawang validation ng kanilang mga territory managers.
Kabilang sa gagamiting basehan ng Manila Water sa unang bill waiver scheme ay ang isang bahay na nawalan ng tubig sa loob ng pitong araw kahit hindi tuluy-tuloy.
Ang mga consumers na ito ay libre na ang unang 10-cubic meters na minimum consumption sa march billing.
Ang pangalawang iskema aniya na bahagi ng bill waiver ay ang mga kabahayang severely affected.
Totally ay wala nang babayaran ang sevely affected barangays.
Batay sa inisyal na rekord ng Manila Water sinabi ni Manila Water President Ang Coo Ferdinand Dela Cruz na nasa mula sa dating 61 mga barangays na severely affected ay umaabot na lamang ngayon sa walong mga barangay.
Sa kabuuan aniya ay 97 percent nang naibabalik ang suplay ng tubig na tuluy-tuloy sa ground level mula walo hanggang 12-oras.
Ang nalalabing 3 percent ay ang mga lugar na pitong oras lang may suplay ng tubig o totally ay wala pa ring tubig.
Sa huling rekord na hawak ng Manila Water ang mga barangay na ito ay ang mga sumusunod.
- UP campus Palaris sa Quezon City.
- Muzon at addition hills sa Taytay, Rizal
- San Jose at San Isidro sa bayan ng Rodriguez Rizal
- Guitnang bayan 1 sa San Mateo, Rizal
- San Carlos Binangonan Rizal
- Pinagbuhatan sa Pasig City