Inaprubahan na ng Brazil sa pinal na pagsusuri ang Johnson & Johnson virus vaccine.
Ayon sa Brazilian Health Regulators, ito na ang pang-apat na gamot na sasailalim sa malawakang testing sa bansa.
Nakatakda namang sumailalim sa test ang 7,000 volunteers sa pitong estado ng Brazil na kabilang sa 60,000 libong katao sa buong mundo na sasailalim sa pagsusuri.
Sa ngayon, pumapangalawa pa rin ang Brazil sa buong mundo na may pinakamaraming bilang ng kaso ng COVID-19 na aabot sa higit 3.4 milyon habang may higit 109 libong nasawi.
Facebook Comments