Pinal na petsa ng pagbubukas ng klase, isusumite ng DepEd sa Mayo

Sa unang linggo ng Mayo, maglalatag ng ulat sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang Department of Education (DepEd).

Kaugnay ito ng pormal at pinal na pagpapasya hinggil sa pagbubukas ng klase para sa susunod na pasukan.

Matatandaang inirekomenda ng IATF na simulan ang pasukan sa Setyembre sa halip na sa Hunyo.


Pero sa ilalim ng Republic Act 7977, hindi dapat lumagpas sa huling araw ng Agosto ang pagbubukas ng klase.

Facebook Comments