Inaasahang maisasapinal ngayong weekend ang protocol para sa gagawing Solidarity Vaccine Trials ng World Health Organization (WHO) sa Pilipinas.
Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Peña, ang WHO headquarters sa Geneva, Switzerland ay nagpadala na ng sulat ukol sa kasunduan noong June 11 para ito ay kanilang i-review kasama ang Department of Health (DOH), at Philippine Solidarity Vaccine Trial Team.
Ang WHO aniya ay lalagda rin ng kasunduan sa isang third vaccine developer.
Inaasahan ding matatapos sa susunod na linggo ang fund transfer ng WHO counterpart sa University of the Philippines (UP) Manila.
Facebook Comments