Natapos na ng biotech company na Pfizer ang pag-aaral sa kanilang experimental COVID-19 vaccine at lumabas na 95% itong epektibo.
Ayon kay Pfizer Chief Executive Officer Albert Bourla, walang nakitang serious side effects ang kanilang bakuna.
Mag-a-apply sila para sa emergency use authorization mula sa US regulations sa mga susunod na araw.
Aniya, importanteng hakbang ito sa kanilang makasaysayang walong buwang pag-aaral at pananaliksik para mabuo ang bakunang tatapos sa mapaminsalang pandemya.
Nabatid na lumabas sa kanilang preliminary analysis na ang kanilang bakuna ay 90% epektibo.
Facebook Comments