PINALAGAN | Balak na ipagbawal ang pagsasanla ng ATM card, kinundina ng isang mambabatas

Manila, Philippines – Tinututulan ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ang
plano ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ipagbawal ang pagsasanla ng ATM
cards.

Ayon kay Zarate, ang hakbang na ito ay anti-poor dahil inaalisan ng
oportunidad ang mga mahihirap para makagawa ng paraan kung papaano
madudugtungan ang kanilang pang-araw-araw na gastos.

Paliwanag ng kongresista, ang paggamit sa ATM card bilang kolateral sa
pangungutang ay last resort ng maraming mga empleyado.


Kasama aniya sa mga empleyadong ito ang mga guro para may maihaing pagkain
sa kanilang pamilya.

Hindi aniya napapanahon ang hakbang ng BSP dahil ngayon ay ramdam ng
publiko ang bigat ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law.

Samantala, upang maiwasan na ang ganitong gawain tulad ng pagsasanla ng ATM
card, hinikayat ni Zarate ang mga bangko na mag-alok ng utang na walang
interes na para lamang sa mga mahihirap.

Facebook Comments