Manila, Philippines – Haharangin ni opposition Senator Antonio Trillanes IV ang anumang hakbang para sa Charter Change na magbigigay-daan sa pagpapalit ng porma ng gobyerno patungong Federalism.
Katwrian ni Trillanes, hindi ang sistema ng gobyerno ang may problema kundi ang mga taong nagpapapatakbo nito.
Diin pa ni Trillanes, hindi maaring ipagkatiwala ang pagbabago sa Saligang Batas sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagagawang pumatay kahit labag sa batas at hindi saklaw ng kanyang kapangyarihan.
Nakakasiguro din si Trillanes, na ang pangunahing layunin ng Cha-Cha ay ang pagpapalawig sa termino ni Pangulong Duterte katulad aniya ng pag-ayaw nitong bitiwan ang Davao City.
Sa tingin ni Trillanes, pinapalutang ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang ‘no election scenario’ para hikayatin ang mga mambabatas na siyang bubuo sa constituent assembly na gagamitin proseso sa pag-amyenda sa konstitusyon.