Manila, Philippines – Mayorya ng mga Filipino ang kontra na baguhin ang kasalukuyang porma ng pamahalaan.
Batay sa survey ng Pulse Asia na isinagawa noong March 23 hanggang 28, lumitaw na 64 porsiyento ng mga tinanong ang tutol na amyendahan ang 1987 constitution.
Sa naturang bilang, 32 porsiyento ang tutol sa pagpapalit ng sistema sa kahit na anong panahon habang 32 percent rin ang nagsabing pwede ito sa hinaharap.
Nasa edad 18 pataas ang 1,200 tao na tinanong survey na mayroong plus at minus 3 percent na margin of error margin.
Facebook Comments