PINALAGAN | CPP-NPA Chairman Joma Sison, nag-iilusyon lang sa pagdeklara ng 73 probinsya na may presensya ng NPA – DND Secretary Lorenzana

Manila, Philippines – Nag-iilusyon lamang si Communist Party of the Philippines (CPP) New People’s Army (NPA) founding Chairman Joma Sison matapos ang pahayag nitong 73 sa 81 mga lalawigan ng bansa ay may presensya na nang NPA.

Ito ang matapang na pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Aniya paano nalaman ni Sison na malawak na ang kanilang presensya sa bansa ganung matagal na itong hindi nakakatapak sa Pilipinas dahil naninirahan na ito sa The Hague, Netherlands.


Giit ng kalihim sa ngayon tanging Cordillera at bulubundukin ng Mindanao, Davao, North Cotabato, Bukidnon at bulubunduking lugar ng South Cotabato ang presensya ng mga NPA.

Sa inilabas na mapa ng Pilipinas ng Philippine Revolution Web Collective and the National Democratic Front of the Philippines, kinulayan nila ng pula ang halos buong mapa na ayon kay Sison ay paglalarawan na halos buong Pilipinas ay may presensya na ng NPA.

Facebook Comments