PINALAGAN | Grupo ng mga mag-aaral, kinondena ang aksyon ng palasyo laban sa transport strike ng mga jeepney driver

Manila, Philippines – Kinondena ng League of Filipino Students ang mga
hakbang ng Duterte Administration para i-boycott ang mga panawagan ng mga
jeepney driver kontra sa jeepney phaseout.

Ayon kay Kara Taggaoa, Spokesperson ng LFS kabilang sa mga hakbang na ito
ang pagsususpinde ng klase ng mga magaaral tuwing may transport strike.

Aniya, taliwas sa dahilan ng palasyo na para sa kapakanan ng mga estudyante
ang pagsususpinde ng klase ay inililihis lamang ng administrasyon ang
usapin.


Pinalalabas din aniya ng administrasyon na ang mga driver ang mali, gayung
kaya mayroong transport strike ay dahil mismo sa Jeepney Modernization.

Pero sa kabila nito, pinanindigan ng malakanyang ang naging desisyon ni
Pangulong Rodrigo Duterte.

Sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, malaking perwisyo para sa mga
mag-aaral ang ginagawang transport strike ng mga jeepney driver.

Kaya para makaiwas ang mga ito sa matinding abala ay mas mabuting
kanselahin na lang ang klase ng mga mag-aaral.

Facebook Comments