Manila, Philippines – Hindi nagustuhan ni Anakpawis Rep. Ariel Casilao ang suhestyon ng Constitutional Commission na gawing requirement ang pagiging college graduate para sa mga tatakbo sa elective position.
Ayon kay Casilao, anti-poor at undemocratic ito dahil isinasantabi ang mga mahihirap sa kakayahang maapaglingkod sa bayan.
Paalala ni Casilao sa ConCom na hindi bagahe at hadlang sa pag-unlad at pagtulong sa bansa ang pagiging mahirap.
Ipinapakunsidera ni Casilao ang suhestyon nito na huwag balewalain ang mga mahihirap na mahalal sa elective position.
Aniya, kung masusunod ang gusto ng ConCom, mawawalan ng representasyon ang mga mahihirap at lilikha ito ng dalawang uri ng citizenship sa bansa…ang isa ay iyong may ekslusibong karapatan para tumakbo at mahalal sa posisyon at ang isa pa ay iyong walang karapatan dahil sa hindi nagtapos ng kolehiyo.