Manila, Philippines – Ikinabahala ni Espina Inday Varona, dating National Union Journalist of the Philippines Chairwoman at Press Freedom Advocate ang pagtrato ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Press Freedom sa bansa.
Sa ginanap na Presscon sa Manila, sinabi ni Varona na kung nagkakamali umano ang media ay maraming mga batas na maaaring parusahan ang mamahayag kung saan nandiyan aniya ang libel at hindi kailangan umanong kitilin ang pamamahayag.
Paliwanag ni Varona na nagangamba siya sa naging pahayag umano ni pangulong Duterte na “Wala naman umanong namamatay na journalist na mabuti” na lubhang nakababahala sa hanay ng mga mamahayag.
Giit ni dating Chairwoman ng NUJP na sinisikil umano ni Pangulong Duterte ang media dahil iba ang usapin ng media sa usapin ng Security Exchange Commission kung saan nakakabahala umano ang pagban ng pangulo kay Pia Ranada na makapasok sa Malakanyang para magkober.
Nasa apela umano ang naturang usapin at hindi pa convicted kayat dapat anyang ipagtuloy ang proseso at hindi dapat harangin ang isang media personality para magkober sa Malakanyang.
Pananaw ni Varona na wala umano sa Constitution na nagbabawal na magkober kapag wala ng tiwala sayo ang Pangulo.