PINALAGAN | Report ng Amnesty International sa kalagayan ng human rights sa bansa, hindi raw binusisi at out of context – Malacanang

Manila, Philippines – Hindi naging mabusisi ang Amnesty International sa isinagawa nilang report kaugnay ng kalagayan ng human rights sa bansa.

Batay sa annual report ng grupo, sinasabing problema ng bansa ang summary killings, freedom of expression, human rights defenders, death penalty, internal armed conflict, torture, children’s rights, right to health, at maging reproductive rights.

Isinama rin ng grupo si Pangulong Duterte sa listahan ng mga ‘worst performing leader’ sa buong mundo.


Para kay Philippine National Police Chief Dir. Ronald Dela Rosa, hindi totoo ang mga paratang grupo na walang makabuluhang imbestigasyon ang Pilipinas sa war on drugs.

Katwiran ni Dela Rosa, kung ganito ang sitwasyon ay malamang wala sanang mga pulis na nakakasuhan, nadi-dismiss sa serbisyo at nakukulong dahil sa kanilang paglabag sa tungkulin.

Samanta, naniniwala si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na ‘out of context’ ang report ng Amnesty International.

Ayon kay Panelo, walang state-sponsored killings sa bansa dahil sinusunod naman ng mga pulis ang protocol sa pag-operate at pag-aresto sa mga drug suspects.

Facebook Comments