PINALAGAN | Sharon Cuneta, pinatikim ng maanghang na sagot ang kanyang basher sa Twitter

Showbiz – Trending sa twitter ang naging sagot ng Megastar na si Sharon Cuneta sa isang basher na nag-comment umano ng bastos sa kanyang post kahapon.

Sa nasabing post, makikita ang limang larawan ng pila para sa mga gustong umorder ng pagkain sa Fast Food Chain na ini-endorso nila ng ex-husband niya na si Gabby.

May pila para sa mga “May Forever”, “Na-Friend Zone”, “Mga Single”, “Naka-Move On” at pila ng mga “Nagmahal, Nasaktan at nag-Mcdo”.


Feel good ang halos lahat ng komento pero isang follower niya ang tila basag-trip at ayon sa mga nakabasa ay nagkomento raw ng “Bastos” sa post ng Megastar.

Kahit agad na binura ang komento, sinagot pa rin ito ni Sharon at sinabihang “Ugok” ang naturang follower.

Sabi pa Actress-Singer, dapat ay may pila rin daw para sa mga may tama sa utak.

Payo naman ng kanyang fans, huwag na lang patulan ang naturang follower.

Facebook Comments