Gumagana na ang bagong Division ng Philippine Army na 11th Infantry “Alakdan” Division na tututok sa pagtugis sa mga grupo ng terorista sa lalawigan ng Sulu.
Ayon kay Philippine Army Spokesperson Colonel Louie Villanueva, pormal na in-activate ang bagong army division nitong December 17, 2017 na pinangunahan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte at Philippine Army Chief Macairog Alberto na ginawa sa covered court, Kuta Heneral Teofilo Bautista, Barangay Busbus, Jolo, Sulu.
Bumuo ang Armed Forces of the Philippines (AFP) nang bagong army division matapos na ipag-utos ni Pangulong Duterte upang mas mapalakas ang pwersa at presenya ng sundalo sa Sulu na pinamumugaran ng Abu Sayyaf Group.
Sa mga nakalipas na panahon walang permanenteng tropa ng sundalo sa Sulu dahil ide-deploy lang pansamantala ang mga sundalo sa Sulu kapag mayroon nang operasyon.
Ang bagong 11 Infantry Division ay kinabibilangan ng basic maneuver elements, combat support at service support components.