PINALAKAS NA SEGURIDAD AT KAHANDAAN NGAYONG PASKO, TINIYAK SA URDANETA CITY

Pinagtibay ng Urdaneta City Police Station (UCPS) ang kanilang kahandaan para sa Christmas season sa accounting at Police Information and Continuing Education (PICE).

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Reynante D. Pitpitan, Chief of Police ng Urdaneta City, bilang bahagi ng mas pinaigting na hakbang sa seguridad ngayong panahon ng kapaskuhan kung kailan inaasahang dadami ang mamimili, biyahero, at mga aktibidad pang negosyo.

Layunin na matiyak ang maayos na accounting ng mga pulis, mapalakas ang presensya ng kapulisan sa mga mataong lugar, at mabigyan ng napapanahong paalala at gabay ang mga tauhan hinggil sa kanilang tungkulin. Kasabay nito, nagsisilbi rin itong panangga laban sa posibleng kriminalidad at banta sa kaligtasan ng publiko.

Sa kanyang mensahe, muling iginiit ang kahalagahan ng propesyonalismo, maayos na pakikitungo sa mamamayan, pagiging alerto, at mahigpit na pagsunod sa mga umiiral na standard operating procedures sa lahat ng operasyon ng pulisya.

Nanatiling matatag ang UCPS sa kanilang layunin na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod, kasabay ng pagtiyak na magiging ligtas, payapa, at maayos ang pagdiriwang ng Pasko sa Urdaneta City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments