PINALALAGYAN | Paglalagay ng Social Welfare Attachés sa mga bansang may OFWs, muling iginiit ni Senator Villanueva

Manila, Philippines – Iginiit ngayon ni Senator Joel Villanueva ang kahalagahan na maipasa agad ang senate bill 1819 o Social Welfare Attache bill.

Layunin ng panukala na magkaroon ng Social Welfare Attaché sa mga bansa na mayroong Overseas Filipino Workers o OFWs.

Ang hakbang ni Villanueva ay makaraang masagip ang 22 OFWs mula sa hindi ligtas at kalunus lunos na kondisyon sa Denmark.


Ikinatwiran ni Villanueva na makakatulong ang pagkakaroon ng permanenteng Social Welfare Attaché sa Philippine foreign posts, para maibsan ang mga kaso ng pang-aabuso at pagmamaltrato sa ating mga kababayan.

Ayon kay Villanueva, ang ayudang ibibigay ng Social Welfare Attache ay dagdag pa sa lahat ng tulong na dapat ipagkaloob sa mga OFWs ng Dept. of Foreign Affairs at ng Dept. of Labor and Employment.

Facebook Comments