PINALALAYO | PNP nanawagan sa NPA na lubayan ang paggamit sa mga tribu

Pinapalayo ng pamunuan ng PNP ang mga miyembro ng NPA sa mga tribu na kanilang ginagamit lalo na sa Mindanao upang isulong ang pakikibaka sa gobyerno.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, sinasamantala ng NPA ang kawalan ng kakayahan ng mga nasa tribu.

Aniya patunay sa pananamantala ng NPA ang mga turo nila sa mga Salugpungan Learning Centers.


Ang pangunahing itinuturo umano sa mga ito ay ang pag-aalsa laban sa gobyerno.

Mismong mga lider ng mga Tribung Lumad na nagtungo sa Camp Crame ang nagsumbong sa ginagawa sa kanila ng NPA.

Isa sa mga sumbong nila ang may sariling National Anthem ng NPA sa halip na ang Pambansang Awit ng Pilipinas ang itinuturo sa mga Lumad Schools.

Facebook Comments