PINALAWAK | BIR, gumamit na rin ng social media para sa palawakin ang tax information

Manila, Philippines – Pumasok na rin ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa social media para gamitin bilang tax information platform.

Ayon kay BIR Commissioner Caesar Dulay, ang pagbuo ng social media pages ng mga kawanihan ay layuning palawakin ang tax information.

Ang content ng social media platform ng BIR ay nakatuon sa daily tax reminder, monthly tax calendars, regulations at iba pang issuances.


Itatampok din ang mga tax campaign videos at job openings.

Paglilinaw ng BIR na ang lahat ng katanungan o paghingi ng legal opinion tungkol sa mga tax law at tax exemption rulings ay dapat idaan sa kanilang customer assitance division sa us@bir.gov.ph <US@BIR.GOV.PH> o tumawag sa 981-73-45, 981-73-66 o 981-37-68.

Narito ang social media pages ng BIR:

Facebook: facebook.com/birgovph
Twitter: twitter.com/birgovph
Google plus: plus.google.com/+birgovph <news.mb.com.ph/2018/05/29/bir-starts-use-of-social-media/hh/plus.google.com/+birgovph>
Youtube: youtube.com./+birgovph <https/youtube.com./+birgovph>.

Bisitahin din ang official website ng BIR: www.bir.gov.ph

Facebook Comments